𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗣𝗛𝗣 𝟵 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗨𝗚𝗦, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Umaabot sa 8.8 milyong pisong halaga ng illegal drugs ang nasabat na ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa unang quarter ng taon.

Ayon kay Police Captain Renan Dela Cruz, ang tagapagsalita ng PNP Pangasinan, sa loob ng tatlong buwan mula Enero 1 hanggang Marso 31, PHP 8.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska o tumitimbang ng nasa 1,253 grams, samantalang PHP 319,440 halaga naman ng Marijuana o umaabot sa 2,662 grams.

Samantala, 280 suspek ang naaresto sa mga isinagawang operasyon laban dito, at 14 naman ang sumuko mula sa 224 operasyon na isinagawa ng hanay ng kapulisan.

Kamakailan, higit tatlong milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa isang 45 anyos lalaki na itinuturing ding high value target ng Police Regional Office 1 sa bayan ng Rosales.

Samantala, patuloy ang kampanya ng Pambansang Kapulisan laban sa ilegal na droga lalo na’t kamakailan ay nasabat sa lalawigan ng Batangas ang nasa PHP 13 bilyong halaga ng shabu. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments