𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟯𝟬𝟬𝗞 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagresulta sa pagkakaaresto ng isang drug personality ang isinagawang buy bust operation ng PNP Dagupan katuwang PDEA Region 1 sa may Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City.

Nahuli ang suspek na itinago sa pangalang Conie at residente ng nasabing lugar. Nakulimbat ang walong pakete ng hinihinalang shabu at tumitimbang ng 40 grams. Tinatayang nagkakahalaga ng PHP 272, 000. Narekober din sa suspek ang marked money, boodle money at cellphone.

Haharap sa kaukulang kaso ang arestadong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments