Umaabot sa dalawampu’t anim ang Super Health Centers na planong itayo sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.
Sa ginanap na groundbreaking ceremony ng unang facility sa bayan ng Sison nitong huwebes, isiniwalat ang naturang plano ng Department of Health (DOH) katuwang ang opisina ni Senator Bong Go, ang Chairman ng Senate Committee on Health and Demography.
Ayon kay Go, pangungunahan ng DOH ang konstruksyon ng nasabing proyekto sa lalawigan na nagkakahalaga ng β±10M hanggang β±15M.
Inihayag din ng Senador ang importansya ng mga super health centers, kung saan itoβy maghahatid ng mga serbisyong medikal tulad ng dental, laboratory, X-ray, birthing facility at iba pa, kung saan makakatulong ito sa pagpapababa ng congestion ng mga ospital sa lalawigan.
Ang pangunahing layunin ng nasabing proyekto ay upang ipaabot ito sa mga rural areas na malayo ang access sa health care sa ilalim na rin ng Universal Health Care law.
Pagpapahayag naman ng alkalde ng Sison ang pasasalamat nito sa pamahalaan, dahil sa paggawa ng kanilang mga tungkulin sa buong nasyon partikular sa kanilang bayan. |πππ’π£ππ¬π¨