𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟱 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗘Ñ𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Cauayan City – Natanggap na ng mga benepisyaryo ng Isabeleño ang kanilang buwanang ayudang bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga nabahagian ay ang mga Isabeleñong mula sa Bayan ng San Mariano, Benito Soliven, at Bayan ng Reina Mercedes, Isabela.

Umabot sa 4,992 ang bilang ng mga benepisyaryo na kinabibilangan ng barangay frontliners, mga may kapansanan, TODA members, maging ang ilang mga dating kabilang sa grupo ng mga rebelde.


Ang pamamahagi ng nabanggit na ayuda ay bilang pagtugon sa ipinangako ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na mabigyan ng tulong ang lahat ng mga Isabeleñong nangangailangan nito.

Facebook Comments