Naibigay na sa mga barangay frontliners sa bayan ng Mangaldan ang kanilang Health Emergency Allowance (HEA) bilang kanilang hazard pay noong pang panahon ng COVID19 pandemic.
Nasa limang daan at pitumpo’t-anim na kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Service Point Officers (BSPO) ang tumanggap ng P7,500 bawat isa.
Ang mga ito ang naging aktibo sa naging kampanya ng pamahalaan kontra covid-19 na naging contract tracer at monitoring personnel sa kanilang barangay.
Samantala, kasabay ng pamamahagi, ipinaalala ng alkalde sa mga kawani ang isasagawang Buntis Day na mangangailangan ng workforce sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments