
Cauayan City – Dumalo si Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa itatayong dalawang-palapag na Hemodialysis Center sa bayan ng Aparri nitong Miyerkules, Enero 14, 2026.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Aparri sa pamumuno ni Mayor Dominador Dayag, katuwang ang Ascendant Healthcare Corporation, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan sa abot-kaya at dekalidad na serbisyong pangkalusugan ng mga Cagayano.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan at pinuri ni Gobernador Aglipay ang inisyatiba, na ayon sa kanya ay maghahatid ng pag-asa at mas maayos na gamutan para sa mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis.
Binigyang-diin din ng Gobernador ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga programang pangkalusugan ng LGU ng Aparri, alinsunod sa E.G.A.Y. Governance Platform na naglalayong mailapit ang serbisyong medikal sa bawat Cagayano.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










