Deployment ng paunang 100 caregivers patungong Korea, pina-plantsa na ng DMW

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Pilot Project nito hinggil sa pag-recruit ng 100 caregivers patungong South Korea.

Ito ay sa ilalim ng Employment Permit System (EPS) sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Ayon sa DMW, ang naturang proyekto ay bahagi ng paghahanda sa mas malaking bilang ng Pinoy caregivers na ipapadala sa nasabing bansa.


Partikular na magiging trabaho ng Filipino caregivers ang pag-aalaga sa mga sanggol, bata, buntis, single parents o dual-income couples.

Ang kailangan lamang isumite ng aplikante ay ang Technical Education and Skills Development Authority, or TESDA, NC II Caregiving Certificate at ang edad ay dapat nasa pagitan ng 24 at 38 taong gulang.

Facebook Comments