Tumanggap ng education assistance ang nasa higit dalawandaang indigent students mula sa bayang Mangaldan mula sa DSWD-AICS at tanggapan ng isang senador.
Nasa 250 na mga indigent students ang nakinabang kung saan tig-dalawang libong pisong educational assistance ang naipamahagi.
Nasa kabuuang kalahating milyong piso naman ang naipamahaging educational assistance kung saan layon nitong masuportahan at matulungan ang bawat estudyante sa kanilang pangangailan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pinansyal na aspeto.
Pinayuhan naman ang mga nakatanggap ng naturang cash aid na gamitin ito sa mga gastusin talaga sa pag-aaral at ibang makabuluhang pamamaraan.
Samantala, katuwang sa distribusyon na ito ang LGU Mangaldan, MSWDO, Community Affairs Office, at Mayor’s Office (MO) na siyang nangasiwa sa rin sa balidasyon ng mga requirement ng mga benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨