𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isa pang Super Health Center ang nakatakdang itayo sa isa pang barangay sa lungsod ng Dagupan na siyang pinaghahandaan na ngayon ng lokal na pamahalaan at mga City engineering office.

Ang isinusulong na Super Health Center na ito ay ipapatayo sa Barangay Malued kung saan ang gagawing site development ay ang bahagi ng Sitio Fisheries.

Target ng pagpapatayo ng Super Health Center na ito na makapagbigay malapit ang serbisyong medikal sa mga residente sa nasabing barangay maging sa mga katabi nitong barangay tulad ng Lasip Chico, Pogo Grande, at Lucao.

Kasama na rin sa proyektong ito ang ecotourism at recreational area sa gagawing site development sa Fisheries.

Isasaalang-alang rin ang daanan patungo sa bahagi na una nang gagawan ng access road para mas maluwag na kalsada partikular na sa bungad ng naturang bahagi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments