Target ngayon ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 (DA-RFO 1) na makapagpamahagi ng tulong pinansyal na aabot sa higit P1.6-bilyon para sa mga magsasaka sa rehiyon uno.
Sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) Program ng ahensya, marami ngayon ang mapapamahagian ng naturang tulong pinansyal kung saan makakatanggap ng β±5, 000 ang nasa 329,462 na magsasaka mula sa apat na probinsya rito.
Sa lalawigan ng Pangasinan ay mayroong 138,305 na magsasaka ang mabibigyan ng tulong na ito upang pangsuporta sa kanilang mga sakahan, 75,963 magsasaka naman sa Ilocos Sur; 61,691 na magbubukid sa Ilocos Norte; at sa lalawigan ng La Union ay nakatakdang tumanggap ang nasa 53,503 magsasaka.
Ayon sa ahensya, ang mga magsasakang ito ay pasok at nakapag-enrol sila noong ika-30 ng Hunyo 2023 sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at ang bawat isa rito ay may sinasakang hindi bababa sa dalawang ektaryang lupain.
Ayon kay focal person ng DA RFO-1 sa Rice Banner Program, Leah Coloma, na layunin ng programa na tulungan ang mga magsasaka na makayanan ang gastos ng produksyon at mapalakas ang kanilang produktibidad.
Samantala, nakapag-umpisa na ang ahensya sa tulong ng provincial office nito sa pamamahagi ng naturang tulong pinansyal. |πππ’π£ππ¬π¨