Cauayan City – Higit 100 Isabeleño ngayon ay nabigyan ng pagkakataon na makakita ng mas maayos dahil sa pagpapatuloy ng “Sagip Mata, Sagip Buhay” program.
Ang programang ito ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatibo ni Isabela Governor Rodito T. Albano III, kung saan muli itong nagpatuloy nito lamang ikatlo ng Oktubre sa Southern Isabela Medical Center, Santiago City.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng libre at akmang serbisyong medical check-up, surgeries, at eyeglasses ang mamamayan ng lalawigan ng Isabela na may problema sa mata.
Bukod sa mga nabanggit na serbisyo, parte rin ng programa ang “Hatid-Sundo” o libreng transportasyon para sa mga kababaihan at mga indibidwal na may edad na.
Kabilang sa serbisyong hatid ay ang diagnostic services, libreng gamot at lunas para sa katarata, glaucoma, at Age-related Macular Degeneration.