𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟯𝟬𝗞 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗡𝗢𝗣𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰

Naitanim ang nasa higit tatlumpung libo o 30, 000 na mga seedlings sa iba;t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng inilunsad na Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.

Sa inilabas na datos provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO), mula January 1 hanggang nito lamang April 19, kabuuang 30, 594 na iba’-ibang binhi ang matagumpay na naitanim na.

Matatandaan na inilunsad ang Green Canopy Program sa inisyatibo ni Gov. Guico III na mapangalagaan ang kalikasan at maitaguyod ang kalinisan ng kapaligiran.

Target naman na maabot ang nasa isang milyong na itatanim na puno sa buong lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments