𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟱𝗞 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗗𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗔𝗡𝗬𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Higit limang libong mga Pangasinense ang nakiisa sa pagpapalakas pa ng kampanya laban droga sa ilalim ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Fun Run na ginanap sa bayan ng Lingayen.

Nagpahayag ng suporta si DILG Secretary Benhur Abalos at ang Ilocos Region Police Regional Director na si PBGEN Lou Evangelista.

Matatandaan na ngayong buwan ng Abril, matagumpay na nasabat ng Police Regional Office 1 ang halos apatnapung milyong pisong halaga ng illegal na droga sa Region 1.

Kaugnay pa nito ang pagtitiyak ng hanay ng kapulisan sa rehiyon sa mas pinaigting na border checkpoints.

Samantala, hinikayat ang mga Pangasinenses na maging kaisa sa adhikaing masugpo ang problemang ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments