Mahigit 7,500 na indibidwal mula sa Eastern Pangasinan ang kabuuang bilang ng benepisyaryo sa TUPAD Payout na programa ng Department of Labor and Employment sa kasalukuyan.
Sa bilang na ito, nasa mahigit P33 million ang kabuuang halaga na naipamahagi sa mga benepisyaryo na mula sa ika-lima at ika-anim na distrito ng Pangasinan.
Kaugnay nito, sa bayan ng Asingan kung saan naganap ang huling payout ng TUPAD, nasa abot isang libong Asinganian ang naging benepisyaryo.
Sabay-sabay at organisadong nakatanggap ng P4, 350 sa sampung araw na trabaho ang bawat indibidwal sa daily rate na P435 kada araw bilang cash-for-work assistance sa ilalim ng TUPAD program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments