
Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos umanong makitaan ng hindi lisensyadong baril sa isang Checkpoint sa National Highway, Barangay Centro 2, Mallig, Isabela, kahapon, January 10, 2026.
Kinilala ang suspek bilang alyas “Jowel”, magsasaka at residente ng Butigue, Paracelis, Mountain Province.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bong,” 49 taong gulang, magsasaka at residente ng Butigue, Paracelis, Mountain Province.
Naaresto si “Jowel” habang nagsasagawa ng routine checkpoint ang mga tauhan ng Mallig Police Station bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa kriminalidad.
Ayon sa ulat ng pulisya, pinara ng checkpoint personnel ang isang itim na Mitsubishi Estrada na may bahagyang bukas na bintana.
Sa isinagawang plain view observation, napansin ang isang baril na inilarawang Colt AR-15 Cal. 9mm na nakapwesto sa gawing kanan ng driver at kaliwa ng pasahero na kinilalang anak ng suspek.
Nang mapansin umano ang presensya ng mga pulis, nagtangka pang umiwas ang driver ngunit agad itong napahinto at inatasang iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Nang hingan ng kaukulang dokumento para sa baril, nabigo ang suspek na magpapakita ng mga kinakailangang papeles.
Dahil dito, agad siyang inaresto at kinumpiska ang nasabing baril na may nakakargang magazine na naglalaman ng limang bala ng live ammunition.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mallig Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










