Huwag magtapon ng basura kung saan-saan lalo na sa mga kanal, yan ang pakiusap ngayon ng lokal na gobyerno ng Dagupan city sa publiko.
Isa umano kasi sa pangunahing dahilan kung bakit mabagal ang daloy ng tubig baha palabas sa Downtown area ay dahil sa mga basurang nakabara sa mga kanal.
Sa ngayon, nagsasagawa ng paglilinis sa mga kanal ang tanggapan ng Cit Engineering Office gamit ang vactron nang sa gayon ay matanggal na ang mga basurang nakabara sa mga kanal tulad na lamang sa bahagi ng Jovellanos St.
Bahagi rin ang paglilinis na ito sa paghahanda ng lokal na gobyerno sa nalalapit na panahon ng tag-ulan.
Pakiusap ng LGU na huwag sana magtapon ng basura sa mga kanal pati na rin kung saan-saan lamang bagkus ay makibahagi sa isinusulong na Goodbye Basura dahil ang mga basura ay may malaki rin epekto sa kalusugan ng tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨