𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦

CAUAYAN CITY- Mahigpit na ipinatutupad ng pamunuan ng Barangay Burgos ang iba’t-ibang ordinansa para sa ikakaayos at ikakaunlad ng Brgy. Burgos, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Leticia Ballesteros, Barangay Kagawad sa nasabing lugar, ibinahagi niya ang ilang ordinansang mahigpit na ipinapatupad sa kanilang barangay.

Kabilang dito ang programang “Aso Mo, Itali Mo,” kung saan hinuhuli ang mga asong pagala-gala sa kalsada.


Ayon kay Ballesteros, layunin nitong maiwasan ang aksidente sa mga motorista at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Mahigpit din nilang ipinagbabawal ang paggamit ng muffler o maingay na tambutso ng motorsiklo.

Aniya, marami nang motorista ang nahuli at pinatawan ng kaukulang parusa bilang babala sa iba.

Bukod dito, mahigpit rin nilang ipinatutupad ang curfew hours sa mga videoke bar upang maiwasan ang labis na ingay na nakakaabala sa mga residenteng nais magpahinga sa gabi.

Facebook Comments