𝗜𝗙𝗠 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗠𝗡 𝟳𝟮𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Napuno ng kasiyahan ang pagdiriwang IFM Dagupan , Mission 2024: Handang Tumulong Sa’yo; The RMN 72nd Anniversary Celebration noong Agosto 24, 2024 sa Brgy. Herrero-Perez Dagupan City.

Kita ang saya ng higit kumulang 200 Dagupeño na benepisyaryo ng libreng gupit, masahe at feeding program.

Tumanggap din ng school supplies ang nasa 40 day care pupils ng barangay. Ilang residente din ng barangay na nagpamalas ng kanilang galing sa videoke challenge.

Tiniyak naman ni Station Manager Mark Espinosa na magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo publiko ng IFM Dagupan bilang pasasalamat sa walang sawang pagsubaybay pagtangkilik at pakikinig sa radyo at online sa pagbabalita at entertainment. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments