𝗜𝗙𝗨𝗚𝗔𝗢 𝗣𝗣𝗢, 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗖𝗔𝗦𝗨𝗔𝗟𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗥𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗘𝗧 𝗔𝗧 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗖𝗥𝗔𝗖𝗞𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧

CAUAYAN CITY – Ikinagalak ng Ifugao Police Provincial Office (IPPO) ang zero casualty record sa mga insidente ng ligawR na bala at paputok sa lalawigan ng Ifugao mula Disyembre 16, 2024 hanggang Enero 4, 2025.

Isang kaso lamang ng insidente na may kaugnayan sa paputok ang naitala, na nagdulot ng minor injury.

Ito ay resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng “Ligtas Paskuhan 2024” kung saan kasama ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga strategic na lugar, pagpapalaganap ng crime prevention tips, at mga safety awareness campaigns.


Kasabay nito, nagsagawa rin ng Oplan Tambuli ang mga Municipal Police Stations upang ipaalam ang panganib ng paggamit ng iligal na paputok.

Samantala, pinuri ni Ifugao PPO Provincial Director Jeremias Oyawon ang dedikasyon ng mga pulis sa lalawigan, na naging susi sa tagumpay ng kanilang mga kampanya para sa ligtas at payapang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments