
Cauayan City – Nagwagi ng ikatlong puwesto si Isabela Vice Governor Kiko Dy sa kanyang kategorya sa Hyrox Osaka, isa sa pinakamahihirap at pinakakilalang fitness competitions sa Asya na pinagsasama ang long-distance running at functional workouts.
Matinding internasyonal na kompetisyon ang hinarap ni Dy, kasama ang mga beteranong atleta mula Japan, Europe, at Oceania, dahilan kung bakit itinuturing na malaking tagumpay ang podium finish sa Osaka.
Ang Hyrox ay isang full-spectrum fitness race na sumusubok sa lakas, tibay, at mental focus ng mga kalahok sa ilalim ng mahigpit na pamantayan ng kompetisyon.
Dahil sa kanyang tagumpay, napabilang si Dy sa iilang Pilipinong opisyal ng gobyerno na nakapag-podium sa isang elite international fitness event.
Photo: Kiko Dy
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









