π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—”π—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘π—š 𝗛𝗔𝗬𝗒𝗣 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—žπ—”π—¦π—”π—žπ—œπ—§ 𝗑𝗔 π——π—”π—›π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 π—œπ—‘π—œπ—§ π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑

Nagkakasakit na ang ilang alagang hayop sa lalawigan ng Pangasinan ngayon dulot pa rin ng mainit na panahon.

Hindi lang tao kundi maging ang mga hayop ay apektado na rin ng tagtuyot, kung saan nanghihina na ang ilang mga alaga nilang aso at pusa.

Ayon sa mga nag-aalaga, gumagawa sila ng iba’t-ibang paraan ngayon upang maibsan ang mas malalang magiging epekto ng init ng panahon sa kanilang mga alaga, tulad na lamang ng pagsasaayos ng maayos na bentilasyon sa mga kulungan nila at pagbibigay ng tubig kada oras

Sa ngayon, nagpaalala ang awtoridad na panatilihing ligtas ang mga hayop laban sa mainit na panahon upang maiwasan ang pagkakasakit o di nama’y pagkasawi ng mga ito. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments