𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗞𝗢 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧-𝗖𝗢𝗟𝗢𝗥𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗢𝗧𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢

Hinihikayat ngayon ng Pangasinan PDRRMO ang publiko na magsuot ng presko at mga light-colored na mga kasuotan para maibsan ang nararamdaman ang tindi ng init ng panahon.

Ayon kasi sa pag-aaral, mas presko ang mga light-colored na damit na suotin lalo kung kulay puti..

Nakasaad din na ang temperatura ng puting kulay na damit ay umabot lamang ng 30 degrees Celsius kesa sa mga kulay ng itim at dark green na umabot sa 45 degrees Celsius.

Kung kaya’t mahalaga rin na alamin ang mga uri ng kasuotan na sinusuot at iayon sa panahon dahil makatutulong rin ito na maibsan ang init ng panahon.

Patuloy ang panghihikayat ng Pangasinan PDRRMO para maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha sa oras na mababad sa init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments