𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔; 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬𝗦 𝗟𝗨𝗠𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗕𝗜

Pinasok ng tubig baha ang ilang kabahayan sa Dagupan City, kagabi dahil sa storm surge na sinabayang ng high tide bunsod ng Bagyong Pepito.

Ilang residente ang nagulantang at hindi na nakabalik sa kanilang pagtulog matapos pasukin ng tubig baha ang kanilang tahanan.

Ang ilan, agad na lumikas sa mga paaralan na itinakdang evacuation center sa lungsod dahil sa pangambang baka tumaas pa ang tubig baha sa kanilang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng IFM News Dagupan, nasa 172 na indibidwal o katumbas ng 82 pamilya sa Brgy. Calmay at 36 na pamilya o katumbas ng 100 indibidwal naman sa brgy. Mamalingling ang inilikas kagabi.

Nagsimula ring bahain ang ilang parte ng downtown area kung saan nahirapan ang ilang motorista sa pagdaan sa ilang bahagi ng kalsada.

Inaasahan ang nasa 1.0 hanggang 2. Na metro ang taas ng alon dulot ng storm surge ang maaring maranasan sa lungsod.

Ngayong araw nasa 4.46 na talampakan ang peak ng high tide mamayang 11:19 ng umaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments