𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗬𝗨𝗧𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗗𝗘𝗗𝗘𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛

Umaasa ngayon ang ilang komyuter at mga negosyanteng may maliit na negosyo na walang magiging delay sa kasalukuyang pagsasagawa ng DPWH sa road elevation ng lungsod.

Ang ilang negosyanteng malapit sa konstruksyon ng ilang kakalsadahan, magsasara na ng kanilang mga pwesto sa oras na hindi umano nila makuha ang target na sales ngayong buwan.

Ang ilan naman, hihintayin na lamang ang pagtatapos dahil nagsaad naman na ng target completion date ang DPWH sa ilang kalsada tulad ng Arellano St. at M. H. Del Pilar St.

Ayon naman sa DPWH, hindi magkakaroon ng delay sa kanilang pagsasagawa ng road elevation at tatapusin ang mga ito sa date na kanilang itinakda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments