𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗬𝗨𝗠𝗘𝗥, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗜𝗧𝗢

Ilang konsyumer ngayon sa lungsod ng dagupan ang umaasang mananatili na ang presyuhan sa produktong bigas sa pagpasok ng bagong suplay nito sa merkado.

Ilang buwan din umano nilang maranasan ang pagsirit sa presyo ng bigas kung saan halos umabot na sa ₱60 ang kada kilo nito.

Nito lang, umpisa ng pumasok sa merkado ang bagong suplay ng bigas dahil sap ag-uumpisa na rin ng harvest season ng mga magsasaka kung kaya’t sapat ngayon ang ibinagsak sa mga rice retailers.

Ang mga may-ari ng sari-sari store owners sa mga bara-barangay, umaasa namang ibaba rin ang presyo ng kada sako ng bigas na ibabagsak sa kanila ng mga dumadayong rice dealer kung saan kamakailan ay nasa ₱1, 300 pataas umano ang kuha nila kada sako para sa magandang klase.

Sa ngayon, nakitaan sa ilang pamilihan sa dagupan city ang pagkakaroon ng ₱48 hanggang ₱53 sa kada kilo bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments