Hiling pa rin ng ilang manggagawa mula sa pribadong sektor tulad ng mga manggagawa sa Dagupan City ang dagdag pa rin sa kanilang minimum wage.
Hanggang ngayon, dinidinig pa rin sa senado ang ukol sa pag-aapruba ng naturang panukala kung saan maging ang ilang senador ay umaasang maipapasa na rin ito.
Ang ilang manggagawa mula sa pribadong sektor sa Dagupan City, aminadong nakukulangan pa rin sila sa kanilang mga sinasahod sa taas ng bilihin at kondisyon ng pamumuhay ngayon.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng mabuti sa Regional Wage Boards ang wage rate sa mga rehiyon para sa pagpapatupad ng panukala kung sakali.
Pakiusap rin ng isang senador ngayon na sundan na umano sana ang hakbang ukol sa panukala sa senado na 100 pesos daily minimum wage increase sa pribadong sektor.
Kaugnay dito ay para mapilitan umano ang kamara na ipasa rin ang counterpart bill na minimum wage increase. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨