𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘

Arestado sa entrapment operation na isinagawa sa isang supermarket sa Brgy. Poblacion, Lingayen ang 23 anyos na construction worker kinilalang si Benito Torrecampo Jr. matapos siyang ireklamo.

Umapela ng tulong sa awtoridad ang 18 anyos na biktima, estudyante mula Brgy. David, Mangaldan matapos umano itong pilitin ng suspek na makipagtalik sa kanya at bantaan na kung hindi gagawin ay ikakalat nito ang sex video nilang dalawa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang inihahanda ang reklamong ihahain dito |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments