Nakaranas ang ilan sa mga dumalo sa Bangusan Street Party Kalutan ed Dalan sa lungsod ng Dagupan ng pagkahilo at ang iba naman ay nawalan ng malay sa kasagsagan ng naganap na concert ng mga pinilahang singers/performers.
Ayon kay Ronaldo De Guzman, ang Dagupan City Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Officer, isa sa mga nakitang dahilan umano ng mga kasong ito ay ang init na naramdaman lalo na at crowded o dinagsa ang lugar.
Aniya, maaari rin na ang ibang nahilo ay hindi kumain at napaaga ang pagpunta ng mga ito. Bagamat tiniyak naman ng opisyal na nabigyan ng agarang lunas ang mga nakaranas ng pagkahilo at naging maayos kalaunan ang kanilang kalagayan.
Binigyang diin ni Officer De Guzman na mahalagang tutukan ang kalusugan at i-assess ang sarili kung kakayanin ang paglahok sa mga ganitong kaganapan lalo na kung may masama nang nararamdaman.
Samantala, pumalo sa 48 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Dagupan City noong isang araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨