Nakaantabay ang hanay ng kapulisan sa Dagupan City sa iba’t-ibang bahagi ng mga kakalsadahan sa lungsod upang matututukan ang traffic management.
Sa ilalim ng ikinakasang Oplan Sita, ilang mga motorista sa lungsod ang nasita dahilan ang pagkakaroon umano ng violation ng mga ito tulad na lamang nang hindi rehistradong sasakyan.
Saklaw pa ng nasabing operasyon ang striktong pagpapaala sa mga motorista ng mga traffic rules tulad ng pagsusuot ng helmet at pagdadala ng lisensya.
Ayon sa mga pulisya, nakikitaan umano ang pagdami ng mga traffic violators kaya’t mas pinag-iigting ang pag-antabay sa seguridad at kaligtasan sa mga kakalsadahan.
Samantala, hinihikayat din ng Kagawaran ng Kalusugan ang iba’t-ibang ahensya sa pakikiisa ng mga ito sa pagsusulong ng kampanya ukol sa Road Safety. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨