𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗠𝗢𝗠𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬

Namomroblema ngayon ang ilang nga motorista gayundin ang mga komyuter at residente mula sa bahagi ng nakasarang kalsada Barangay Dinalaoan, Calasiao upang magbigay-daan sa konstruksyon ng San Pablo Bridge.

Diumano, nag-umpisang isara ang bahagi ng Dinalaoan-San Vicente Road noong Abril 1 at pansamantala itong hindi pinapadaanan sa mga motorist, ngunit minsan naman ay pinapadaanan.

Kaya naman, ang mga estudyanteng pumapasok gayundin ang mga nagtatrabaho ay umiikot pa sa kalapit barangay nito o di naman sa isang bukid upang makapunta sa bayan.

Ayon sa ilang komyuter, pumapalo sa PHP 150.00 ang singil sa kanila, kaya naman nadagdagan ang kanilang iniisip.

Samantala, ayon sa mga facebook posts ng dating kapitan ng nasabing barangay, ay magtiis muna dahil para rin naman ito sa ikabubuti ng kanilang daanan.

Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang iFM News Team sa awtoridad upang marinig ang kanilang panig ukol sa nasabing usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments