𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Dead on arrival sa pagamutan ang 44 anyos na butcher kinilalang si Isabelo Ugaban mula Brgy. Maniboc, Lingayen matapos itong nagsariling maaksidente at sumalpok ang sasakyan nito sa isang puno.

Sa salaysay ng asawa ng biktima, nag-inuman pa sila bago magpasyang umalis ang asawa nito upang bisitahin ang ina nito sa Brgy. Bacabac, Bugallon. Nakarating naman ito ng ligtas ngunit umalis umano ng hindi nagpapaalam.

Dagdag ng isang witness sa aksidente, nawalan ng kontrol ang biktima dahilan para sumalpok ito sa malaking puno. Hindi rin umano ito nakasuot ng helmet nang maganap ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments