𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗜𝗦𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚

Nakitaan na ng pagbaba ang antas ng tubig sa ilang mga palaisdaan sa lalawigan ng Pangasinan, sa gitna ng nararanasang dry spell.

Ayon sa ilang mga fish growers, dahil ito sa halos walang naitalang mga pag-ulan simula pa noong Pebrero. Kaya naman, sila ay problemado ngayon dahil nakakaapekto na ito sa kanilang negosyo, kung saan naninilaw na diumano ang ilan sa kanilang mga inaalagaang isda.

Aksyon ng ilang mga fish growers ang nag-foforce harvest, upang hindi sila tuluyang malugi.

Samantala, paniniguro naman ng Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG na magiging sapat ang suplay ng isda hanggang sa pagsapit ng mahal na araw.

Sa kabilang banda, asahan pa ang maalinsangang panahon sa mga susunod na linggo dahil wala pang opisyal na deklarasyon ng tag-init o summer season ang PAG ASA sa buong bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments