Umaasa ngayon ang mga Pangasinenses sa mas mababang presyuhan sa bigas ngayong buwan ng Marso.
Matatandaan na simula rin ngayong buwan ang peak sa harvest season ng palay kaya naman asahan na mas dadami ang lokal na bigas sa merkado sa gitna na pagdami ng imported na bigas.
Sa kasalukuyan, nasa ₱1 hanggang ₱2 lamang ang nararanasang pagbaba sa kada kilo ng bigas sa mga pamilihan sa lalawigan.
Nananatiling nasa ₱49 hanggang ₱53 ang presyuhan sa bigas, mas mababa na kumpara noong Enero na pumalo sa higit ₱50 ang pinakamababang presyo.
Kinumpirma rin ng Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG na inaasahan ang pagbaba sa presyo ng bigas lalo na sa ikatlong linggong ngayong buwan.
Samantala, nakitaan na rin ng pagbaba sa kuhaan ng per kilo ng palay at nasa P29 pesos per kilo na ito ngayon dahil dumadami pa ang mga magsasakang nag-aani ng palay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨