𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗢 𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔

Hinikayat ni Liga ng mga Barangay President at Lucao Barangay Captain Marcelino Fernandez ang mga kapwa Barangay Officials sa Dagupan City na makiisa sa implementasyon ng ‘No Segregation, No Collection Policy’ ng Dagupan City.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa opisyal, sinabi nito na ilang araw na rin na ipinapatupad ng mahigpit ang nasabing polisiya.

Aminado naman ito na nahihirapan pa sa mga sandaling ito ang mga brgy sa pagsunod sa nasabing polisiya lalo na sa mga malalaking barangay.

Isang pribadong kampanya kasi aniya ang nag-slok ng partnership sa lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa pagtapos ng problema sa Dagupan at ang tanging hiling ay ang proper segregation.

Samantala, maganda naman aniya ang plano na pagbibigay ng insentibo sa mga barangay na makakapag patupad ng maayos sa nasabing polisiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments