Doble pag-iingat ngayon ang isinasagawa ng ilang pet owners sa Dagupan City para sa kanilang mga alagang hayop ngayong nakakaranas ang lungsod ng sunod-sunod na matataas na heat indices.
Ang ilan sa mga pet owners, hindi muna pinapasyal sa labas ang mga alagang aso at pusa lalo sa mga oras na maaaring makaranas ng mataas na heat index.
Ang iba naman, madalas ang pagpapaligo sa kanilang mga alagang aso at pusa maging madalas na pagpapalit sa inuming tubig ng mga ito para maiwasan rin ang kontaminasyon.
Nangangamba kasi ang mga pet owners dahil marami ngayong alagang hayop ang nagkakasakit dahil sa mainit na panahon.
Samantala, una nang ipinahayag ng Dagupan City Veterinary Office na bigyan ng importansya ang kalusugan ng mga hayop ngayong dry season at dapat lamang na mabigyan din ang mga ito ng tutuluyan na may sapat na bentilasyon. |πππ’π£ππ¬π¨