𝗧𝗜𝗡𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬-𝗔𝗥𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡

Nagtataka ang noo’y off duty na pulis mula Brgy. Telbang, Alaminos City matapos makitang sira ang padlock ng tindahan nito at nawala ang pinagbentahan na nagkakahalaga ng P5, 000.

Nang tignan ang CCTV, kitang kita ang pagpasok ng isang lalaki sa tindahan at may kinuha saka tumakas sakay ng tricycle nito.

Ini-report ng pulis ang insidente sa mga ka-baro nito at agad namang nahuli ang suspek sa Brgy. Tanaytay sa nasabing lungsod, kinilalang si Jomar Sambile.

Nakumpiska dito ang 3 case ng beer at pera na nagkakahalaga ng P1, 300.

Kasalukuyang inihahanda ang kasong kakaharapin ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments