Napipilitan umanong mag-abono ang mga guro sa mga materials na gagamitin sa tuwing isasagawa na ang isang buwan ng ipinatupad na catch up Fridays ayon yan sa inihayag ng Alliance of Concerned Teachers Partylist.
Mas mainam umano kasi na pisikal ang kopya na gagamitin ng mga bata para matutunan ng maayos at maintindihan talaga ng mga ito kung ano ang nililinang para sa kanila kaya naman gastos ang abot ng ilan sa gurong nagsasagawa nito.
Sa inihayag ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative France Castro, hindi umano preparado ang DEPED sa pagpapatupad ng naturang programa kaya naman napipilitan umano ang mga guro na gumawa ng kanilang mga sariling reading materials at magso-source out ng kanilang mga gagamitin.
Kaya naman, suhestyon ngayon ng karamihan sa kaguruan na itigil at paghandaan muna ang naturang catch up Fridays ng DEPED ngunit di rin naman kinakaligtaan ng mga ito ang magandang layunin ng naturang programa para makatulong na malinang pa ang mga batang mag-aaral pagdating sa reading at reading comprehension. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨