𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗪𝗘𝗦𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚

Nasunog ang nasa walong stalls ng mga religious articles sa may bahagi ng ikalawang gate ng Minor Basilica of the Our Lady of Manaoag, kagabi.

Maga-alas onse ng sumiklab ang naturang sunog na agad naman nirespondehan ng mga bumbero ng bayan at kalapit bayan nitong San Jacinto, Laoac, at Mapandan, katuwang na rin ang hanay ng kapuliisan at mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Naging mabilis, diumano ang pagkalat ng apoy sa mga stalls dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Idineklara namang fire out ang nangyari dakong 11:45 PM. Ayon sa imbestigasyon, wala namang naitalang nasaktan sa naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at ang kabuuang danyos nito.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy ‘Doc Ming’ Rosario, nakatakdang ipatawag ang mga apektadong vendors upang malaman kung ano ang puwedeng itulong ng lokal na pamahalaan sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments