Pinag-iigting ngayon ng hanay ng kapulisan mula sa Ilocos Police Regional Office (PRO-1) ang kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Ayon kay PRO-1 Director Brig. Gen. Lou Frias Evangelista, wala diumanong pagawaan ng ilegal na droga sa rehiyon, kaya’t paniniwala nila na ang mga pumapasok na ilegal na droga ay nagmula pa sa labas ng rehiyon.
Kaya naman, bilang tugon pinag-iigting nila ang kabilaang checkpoints sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon lalo na sa mga borders nito.
Kamakailan, nasabat sa isang high-value target sa usapin ng illegal drugs, ang P884,000 na halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Malasiqui o katumbas ng 130 grams. Dagdag pa, ang nasa P1.3 Milyong drogang nasabat sa lungsod ng Urdaneta.
Sa ngayon, tiwala ang ahensya sa kakayahan nito upang masugpo ang kampanya kontra droga katuwang na rin ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨