𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang anim na rehiyon sa bansa na nakitaan ng pagtaas sa bilang kaugnay sa kaso ng dengue.

Kinabibilangan ito ng Ilocos Region, kasama ang Cordillera Administrative Region (CAR), MIMAROPA, CARAGA, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.

Ayon sa datos ng ahensya, mula January 1 hanggang nito lamang June 1 ngayong taon, nakapagtala na ng nasa 70, 498 na dengue cases at halos dalawang daan (197) dito ay nasawi.

Sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, naitala na rin ang higit limang daang (500) kaso ng dengue.

Nakaalerto naman ang iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan kaugnay sa naturang usapin at puspusan ang pagsasagawa ng mga aksyong kontra dengue tulad ng misting operation at activation ng Dengue Task Force. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments