Kinilala bilang ikatlo sa Fastest Growing Region noong nakaraang taon ang Ilocos Region sa buong bansa ayon sa kalalabas lamang na 2023 Regional Accounts of the Philippines.
Nakapagtala ng 7.1 percent na economic growth rate ang unang rehiyon nangangahulugan na nagpamalas ng higher growth kung ihahambing sa national level growth rate.
Kaugnay nito, mula sa 17 regions sa Pilipinas ang Region 1 ang may pinakamataas na bahagi na 13.9 percent sa Agriculture, Forestry and Fishing (AFF).
Samantala, nanguna ang Central Visayas sa listahan na may 7.3 percent at sinundan naman ng Western Visayas sa bilang ma 7.2 percent na economic growth rate. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments