𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗧𝗘𝗧𝗘 𝗢 𝗣𝗨𝗙𝗙𝗘𝗥𝗙𝗜𝗦𝗛, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗦𝗢𝗡-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Cauayan City – Nagbabala ang BFAR-Region 2 at Department of Health sa publiko hinggil sa pagkain ng “butete” o pufferfish matapos makapagtala ng dalawang kaso ng pufferfish poisoning sa bayan ng Ballesteros, Cagayan.

Ayon sa ulat, isa sa mga kumain ng isdang butete ay binawian ng buhay matapos hindi kayanin ng katawan nito ang lason na dulot ng pagkain ng naturang isda.

Ayon sa DOH, ang lason ng butete ay matatagpuan sa atay, obaryo at balat nito, kung saan kapag nakain ng tao ay maaapektuhan ang utak nito.


Mararamdaman ang epekto ng lason sampung minuto hanggang anim na oras matapos itong kainin.

Kabilang sa senyales ng pagkalason ay ang pangingilig sa labi, bibig, at ibabang bahagi ng katawan, pagkahilo, hirap sa pagsasalita, pagbalanse ng katawan, panghihina ng kalamnan, paralysis, pagsusuka, maging pagdumi.

Nagpaalala rin ng DOH na kapag hindi kaagad nabigyan ng lunas ang biktima ay maaaring bawian ito ng buhay pagkalipas ng apat hanggang walong oras, ngunit kung talagang malala naman ay maari ring masawi makalipas lamang ng 20 minuto.

Facebook Comments