Tuluyang bumaba ang inflation rate nitong nagdaang buwan ng Septyembre sa buong Ilocos Region.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority Region 1, sumadsad sa 0.6% ang headline inflation sa rehiyon na mas mababa kumpara sa 2.6% na inflation noong Agosto.
Pangunahing nakatulong sa pagpapababa sa antas ay ang food and non-alcoholic beverages, maging ang Transport at Clothing and Footwear.
Samantala, mababa na rin ang naitalang inflation sa lahat ng apat na lalawigan sa Region 1 ngayong taon kumpara noong nakaraang taon sa parehong buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments