𝗜𝗡𝗙𝗟𝗨𝗘𝗡𝗭𝗔 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗔-𝗜𝗠𝗢

Cauayan City – Nagsagawa ng pagbabakuna kontra influenza para sa kanilang mga empleyado ang National Irrigation Administration – Isabela Irrigation Management Office (NIA-IMO) kahapon ika-26 ng Hunyo.

Layunin ng programang ito na mapanatili ang maayos na kalusugan ng mga empleyado at maprotektahan sila sa banta ng naturang sakit.

Naging maayos ang aktibidad dahil na rin sa presensya ng mga medical professionals na siyang nanguna sa pagbabakuna at pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa aktibidad.


Samantala, patunay naman ang isinagawang aktibidad na isa sa prayoridad ng ahensya ang suportahan ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan ng kanilang mga empleyado.

Facebook Comments