Pinabulaanan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mga umanoβy insidenteng napaulat ukol sa bagong modus ng mga magnanakaw na βKatok Bahayβ sa inilabas nitong opisyal na pahayag sa pamamagitan ng kanilang facebook page.
Ayon sa pahayag, ilang ulat mula sa social media ang kanilang natanggap, kung saan diumanoβy may mga kumakatok sa pintuan o bintana ng bahay ng ilang residente sa bayan, na siya namang nagdulot ng pagkabahala sa kanila.
Samantala, nagsagawa naman ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan katuwang ang hanay ng kapulisan at napag-alaman na may isang kaso nito na kagagawan lamang ng isang may sakit sa pag-iisip.
Sa kabilang banda, patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko at pinaalalahanang, kung sakaling mangyari ulit ang mga ganitong insidente ay ipagbigay-alam ito sa kinauukulan gaya ng Barangay at ng Kapulisan. Gayundin, ang pagsisigurong naka-lock ang mga pintuan at bintana sa dis oras ng gabi.
Siniguro naman ng kapulisan sa bayan katuwang ang mga enforcers sa mga bara-barangay ang pagpapanatili ng seguridad sa kanilang nasasakupan, sa pamamagitan ng pagbabantay 24 oras, para sa kapanatagan ng bawat residente ng nasabing bayan. |πππ’π£ππ¬π¨