𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗢𝗞𝗟𝗘𝗧𝗦 𝗡𝗚 𝗥𝗔𝗙𝗙𝗟𝗘 𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧𝗦 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Nawawala ngayon ang sampung booklests ng raffle tickets na gagamitan para sa nalalapit na kapistahan ng bayan at Pindang Festival, noong nakaraang biyernes.

Bagamat nawala, gumawa na ng hakbang ang lokal kumite na in-charge sa raffle, idineklara nila ang mga tickets na may serial numbers mula 23401 hanggang 23500 bilang ‘null, void, at invalid. Ibig sabihin, wala nang pagkakataon manalo ang mga numerong nakapaloob sa mga nasabing serial numbers ng kahit anong premyo sa raffle.

Nagbigay paalala naman ang lokal na pamahalaan ng maging maingat sa mga mabibili o maiaalok na tiket lalo na sa mga pamamaraang hindi legal na ginagawa.

Sa ngayon, nsite lang ang pagbebenta ng tiket ukol sa nasabing raffle sa opisina ng Community Affairs Office (CAO) at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments