𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Matagumpay na isinagawa ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region ang inspeksyon sa treatment area ng Region 1 Medical Center sa Dagupan City para sa mga taong magiging biktima ng Firework-related Injuries kaugnay sa pagsalubong sa bagong taon.

Ang naturang inspeksyon ay pinangunahan ni Assistant Regional Director Antonio Albornoz kasama ang mga kinatawan ng R1MC gaya ni Health Emergency Medical Department Head Dr. Ma. Camila Rosario-Navarro at iba pa.

Sa isinagawang inspeksyon, may isang binatilyong mula sa Brgy. Caranglaan ang biktima ng Five Star kung saan natamaan ang kamay nito.

Agad naman itong nabigyan ng paunang lunas sa Region 1 Medical Center Treatment Area.

Layunin ng inspeksyon na ito ay upang siguruhing handa ang pasilidad na ito ng R1MC para sa mga magiging biktima ng paputok ngayon taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments