𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔

Naging matagumpay ang pagtutok sa pagsalubong sa bagong taon ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM Dagupan sa PNP Pangasinan, maliban sa mga isinugod sa mga pagamutan at mga aksidente ay wala naman, aniya, silang naitala na untoward incident na may kinalaman sa pagsalubong ng bagong taon.

Ang mga nasita kagabi ay pawang mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na mga paputok at mga aksidente na nirespondehan.

Samantala, bagamat kapansin pansin ang pagbaba ng bilang ng mga bumibili ng paputok ay nanganganib na makapagtala ng mas mataas na bilang ng biktima ng paputok sa Pangasinan bagAMat hinihintay pa ang pinal na datos sa pagtatapos ng monitoring ng Department of Health.

Kahapon ay nasa dalawampu’t siyam na ang naitalang fireworks related injuries sa buong lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments