
Cauayan City – Natupok ng apoy ang isang bahay sa Brgy. Gappal, Cauayan City, matapos na sumiklab ang sunog kaninang umaga, ikalawa ng Pebrero, 2026.
Sa panayam ng IFM News Team kay Fire Chief Inspector Francis David Barcellano, hepe ng Cauayan City Fire Station, bandang alas 7 ng umaga ng makatanggap sila ng report hinggil sa nasusunog na bahay sa nabanggit na lugar.
Agad namang rumesponde ang kanilang hanay sa lugar ng insidente ngunit dahil gawa sa light materials ang ilang bahagi ng bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.
Bagama’t tuluyan namang naapula ang sunog, sinabi ni FCINSP na idineklara pa ring totally burned ang nabanggit na bahay dahil sa pinsalang inabot nito.
Samantala, sa kabila ng insidente, wala naman umanong naiulat na indibidwal ang nasaktan sa sunog, at wala ring kalapit na bahay ang nadamay.
Isa naman umano sa naging hamon sa kanilang pagresponde ay ang layo ng pinangyarihan ng insidente kung saan natagalan ang mga fire personnel sa pagdating sa lugar.
Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang imbestigasyon upang matukoy ang posibleng pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng natupok ng apoy.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










