Tuesday, April 21, 2026

Mahigit 300 OFWs mula Middle East, dadating sa bansa ngayong weekend sakay ng dalawang repatriation flights

Tumulak na patungong Middle East si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac para pangunahan ang repatriation sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, kabuuang 350 Pinoy repatriates ang dadating sa bansa ngayong weekend sakay ng dalawang repatriation flights.

Sinabi ni Olalia na 300 sa OFWs ay mula sa United Arab Emirates (UAE) habang ang 50 ay mula sa Kuwait.

Kasama rin sa mga dadating na Pinoy workers ay mula sa Qatar na itinawid sa land border crossing dahil sarado ang airspace sa nasabing bansa.

Posible aniyang magmula ang repatriation flights sa Fujairah sa United Arab Emirates o sa Saudi Arabia.

Idinagdag ni Olalia na masusi rin nilang pinag-aaralan ang mga rutang dadaanan at pupuntahan ng mga susunduing OFWs.

Facebook Comments